Hinamon ni Vice President Jejomar Binay ang Anti-Money Laundering Council o AMLC na silipin din ang mga bank account mga leader ng Liberal Party.
Ito, ayon kay Binay, ay upang maging patas ang AMLC sa lahat ng government official lalo ang mga halal na opisyal miyembro man ng administrasyon o oposisyon.
Kabilang sa tinukoy ni Binay na dapat siyasatin ng AMLC ay ang mga bank account nina Senate President Franklin Drilon na sangkot umano sa overpriced Iloilo Convention Center at Budget Secretary Butch Abad na utak ng Disbursement Acceleration Program.
Ipinaliwanag din ni Binay na hindi otomatikong guilty sa anumang offense ang may-ari ng bank deposit kahit i-freeze ang accounts nito dahil sa ilalim ng batas ay dapat makahanap ng predicate crime ang AMLC tulad ng pinanggalingan ng pera.
By Drew Nacino