Humingi na ng paumanhin si Vice President Jejomar Binay sa mga police officer na nakabangga nito noong isang linggo sa Makati City Police sa isyu ng suspension order kay Makati Mayor Junjun Binay.
Ayon kay Senior Supt. Elmer Jamias, Deputy Director ng Southern Police District, nilapitan ni Binay ang police officers sa pangunguna ng ground commander na si Chief Inspector Gideon Ines at nag-sorry sa mga ito.
Sinabi ni Jamias na ini-report na lamang sa kaniya ang pagdating ni Binay at wala siya aniya nang humingi ng paumanhin ang Bise Presidente.
Gayunman, inihayag ni Jamias na tuloy ang kasong isasampa nila laban kay Binay at sa kampo nito dahil sa pag-atake sa mga otoridad.
By Judith Larino