Hinamon ni Vice President Jejomar Binay ang mga estudyante ng Negros Oriental State University na suriin at pag-aralan ang kaniyang track records.
Sinabi ito ni Binay kasunod ng naging tanong sa kaniya ng isang estudyante roon hinggil sa kanyang mga nagawa sa pagiging bise presidente.
Unang binigyang-diin ni Binay na sang-ayon sa Saligang Batas ay walang partikular na job description ang isang Pangalawang Pangulo.
Gayunman, ilan sa kaniyang mga ibinidang nagawa ay ang pagiging pinuno ng National Housing Authority kung saan matagumpay daw niyang naipatupad ang socialized na housing o pabahay sa bansa sa tulong na rin aniya ng Pag-IBIG.
Siya rin ang presidential adviser ng Overseas Filipino Workers o OFW.
At sa lahat ng ito, proud na sinabi ni Binay na nagawa niyang mabuti ang kaniyang mga trabaho sa kabila ng mga naunang pasaring ni Pangulong Noynoy Aquino na wala raw itong nagawa bilang isang housing czar.
By Allan Francisco