Naghain ng panibagong kasong libelo si Vice president Jejomar Binay laban sa kanyang mga kritiko na sina Sen. Antonio Trillanes IV at dating Vice Mayor Ernesto Mercado sa Makati Regional Trial Court.
Ayon kay Joey Salgado, Head ng Media Affairs ni VP Binay, ang kasong libelo ay may kaugnayan sa aniya’y malisyoso at mapanirang akusasyong ibinibintang sa bise presidente.
Ang kasong libelong isinampa kay Mercado ay may kinalaman sa umano’y transaksyon sa Alphaland ng Boy Scout kung saan kabilang si VP Binay.
Habang ang libel case namang isinampa kay Trillanes ay kaugnay ng akusasyon nito hinggil sa umano’y ghost senior citizens sa lungsod.
Aniya, naniniwala si Binay sa sistema ng hustisya sa bansa kaya’t umaasa itong mapatutunayan nilang mali ang ibinibintang laban sa pangalawang pangulo.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco