Nanindigan si Vice President Jejomar Binay na nananatiling malusog ang kaniyang pangangatawan sa gitna ng umano’y may iniinda siyang malalang kalusugan.
Sa panayam kay Binay, sinabi nito na araw-araw pa siyang tumatakbo ng ilang kilometro at nag-eehersisyo kaya’t walang katotohanan aniya ang nasabing paratang.
Giit ng 72-anyos na Pangalawang Pangulo, nanatiling malakas ang kaniyang pangangatawan sa kabila ng pag-atake ng mga kritiko nito kasama na ang kaniyang pamilya.
Bagama’t mas matindi pa sa physical na pang-atake ang ginagawa sa kaniya ay hindi naman aniya ito makakaapekto sa kaniya lalo na’t para sa bayan naman ang ipinaglalaban nito.
By Mariboy Ysibido