Nakiisa na rin si Vice President Jejomar Binay sa pagresolba sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Ito’y matapos manawagan si VP Binay sa sektor ng transportasyon, partikular sa Alliance of Concerned Transport Operators o ACTO na makiisa sa paghahanap ng solusyon sa problema sa trapiko.
Aniya, kailangan ang pagtutulungan ng lahat sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagtugon sa batas-trapiko.
Aminado kasi ang bise presidente na ginagamit ng ilang traffic enforcers ang posisyon nila upang makahingi ng lagay o suhol.
Ngunit, kung makikiisa aniya ang mga driver at operator gaya ng ACTO sa pagsunod sa batas-trapiko ay maiiwasan ito.
By: Jelbert Perdez | Allan Francsico