Umabot na sa mahigit kalahating bilyong piso o nasa P590 milyong piso ang gastos ni Vice President Jejomar Binay sa mga TV commercial sa iba’t ibang network.
Dahil dito, si Binay na ang may pinakamalaking gastos noong nakaraang taon para sa political ads base sa Nielsen Philippines.
Aabot naman sa P450 milyong piso ang gastos nina Senador Grace Poe, P424 na milyong piso kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas habang P115 milyong piso kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nangunguna sa gastos sa mga vice presidentiable si Senador Alan Peter Cayetano na nasa P398 million pesos habang top spender sa mga senatoriable si Leyte Representative Martin Romualdez.
Naka-base ang mga nasabing halaga mula sa 2015 grade records ng mga malaking TV network ng bansa.
Malaya ang mga kandidato na gumastos sa mga commercial kahit hindi pa opisyal na nagsisimula ang kampanya para sa 2016 elections.
By Drew Nacino