Pinangunahan ni Vice President Jejomar Binay, ang paggunita ng Araw ng Kasarinlan, sa Luneta, kaninang umaga.
Kasabay ng flag raising ceremony, ang pagbusina ng mga barko na nakadaong sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Sinabi ng Bise Presidente na bagamat mayroong kalayaan, mahalagang magkaroon ng pagkakaisa upang maiangat ng buhay ng mga maralita.
Dumalo din sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan sa Luneta, sina Manila Mayor Erap Estrada, ang mga kawani ng PNP at Coast Guard.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)