Tumangging magkomento si Vice President Jejomar Binay sa naging pahayag ni Senador JV Ejercito na posibleng si Senador Grace Poe ang susuportahan ng amang si dating Pangulong Joseph Estrada.
Tanging next question please lamang ang sinagot ni Binay sa nasabing isyu.
Magugunitang si Binay ang vice presidentiable ni Erap noong tumakbo sila sa national elections.
Wala pa namang opisyal na pahayag si Erap kung sino talaga sa inaanak niyang si Poe o sa kaalyado sa pulitikang si Binay ang susuportahan sa 2016 presidential elections.
By Judith Larino | Allan Francisco