Posibleng isampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Vice President Jejomar Binay pagbaba nito sa puwesto sa June 30.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, may nakita na silang sapat na batayan para kasuhan si Binay ng malversation, falsification at paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng kontrobersyal na di umano’y overpriced na Makati Carpark Building.
Sinabi ni Morales na nananatiling nakabinbin sa kanilang tanggapan ang plunder cases laban kay Binay.
By Len Aguirre