Pinababayaan umano ng pamahalaan ang mga persons with disabilities o ang mga PWD’s.
Ito ang tahasang sinabi ni Vice President Jejomar Binay sa pagpunta nito sa United Arab Emirates (UAE) upang kumustahin ang mga Pinoy community sa Abu Dhabi at Dubai.
Ayon kay Binay, halos anim na taon na buhat nang ratipikahan at ipatupad ang United Nations Convention on the Rights of PWD ay tila wala pa aniyang nagbabago.
Marami pa rin kasing physical structures, mapa-pribado o pampubliko man ay hindi akma o pahirap aniya sa mga may kapansanan nating kababayan.
Giit ng bise presidente, problema pa rin ang pagbibigay sa mga PWD ng gobyerno ng normal na buhay gaya ng maayos na restrooms o palikuran at gayudin ang diskriminasyon sa mga ito.
Pinuna rin ng pangalawang pangulo ang mga employer na umiiwas sa pagkuha ng mga manggagawang may kapansanan.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco