Sang-ayon si Vice President Jejomar Binay sa DNA testing na isinasagawa ng kampo ni Sen. Grace Poe upang matukoy kung ito nga’y isang natural born citizen.
Gayunman, tumangging magkomento si Binay sa naging pahayag ng Chairman ng Senate Electoral Tribunal o SET na si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na naturalized Filipino citizen si Poe at hindi isang natural born citizen.
Si Senadora Nancy binay na anak ng bise presidente ay bahagi ng SET na siyang dumidinig sa kaso ni Poe.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco