Tiwala si Vice President Jejomar Binay na susuportahan siya ni dating pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph Erap Estrada sa 2016 presidential elections.
Una nang sinabi ni Estrada na kapwa malapit sa kanya sina binay, Senadora Grace Poe at maging si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na pawang nagpahayag na tatakbong pangulo sa nalalapit na halalan.
Sinabi ni Binay na bagamat hindi nila pinag-usapan ni Erap ang halalan noong nag-lunch sila kamakailan lamang, naniniwala pa rin siya na muli silang magkakasama sa eleksyon sa susunod na taon lalo’t wala naman silang isyu ng alkalde.
Aminado rin ang bise presidente na may utang na loob siya kay Erap nang ituring siya nito bilang vice presidential candidate noong 2010.
Kung matatandaan, sina Binay at Estrada kasama si Senador Juan Ponce Enrile ang nagtatag ng UNA o United Nationalist Alliance noong 2010 at ito ang partidong nagdadala ngayon kay VP Binay.
By: Meann Tanbio