Tumanggi si Vice President Jejomar Binay na sagutin ang tanong ng media kung nililigawan ba nito ang mga kasapi ng INC o Iglesia ni Cristo.
Kasunod ito nang pagdepensa ni Binay sa limang araw na protesta ng INC sa Maynila at EDSA-Shaw Boulevard sa Mandaluyong.
Sa halip, tanging ang mga katagang next question please lamang ang isinagot ni Binay sa nasabing tanong ng media.
Sinasabing hindi nakuha ni Binay ang suporta ng INC noong 2010 elections dahil si DILG Secretary Mar Roxas ang nakakuha ng boto ng INC na sumuporta rin sa Pangulong Benigno Aquino III noon.
By Judith Larino | Allan Francisco