Inaasahan na mismo ni Vice President Jejomar Binay na dadami pa ang mga pulitikong aanib sa kaniyang partidong United Nationalist Alliance o UNA.
Lalo’t papalapit na aniya ang petsa ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2016 elections.
Ayon kay Binay, umiiwas lamang na direktang magpaparamdam ng suporta ngayon ang ilang pulitiko sa kaniya dahil baka mapag-initan at takutin din ito ng administrasyon gaya aniya ng ginagawa sa kaniya.
Kapansin-pansin din ayon kay binay na sumasama na sa kanilang mga pagiikot ang ilang mga pulitiko at itinuturing niya itong malaking bagay.
Kung matatandaan kahapon ay sinasabing mayorya sa mga opisyal ng probinsya ng Batanes ay sumuporta na sa UNA habang noong weekend naman ay 12 local officials mula sa Bulacan ang umanib na rin sa naturang partido.
By:Meann Tanbio | Allan Francisco