Hindi nawawalan ng pag-asa si Vice President Jejomar Binay na siya ang ikukunsidera ni Pangulong Noynoy Aquino bilang kapalit nito sa 2016.
Ayon kay Binay, umaasa pa rin siyang sa bandang huli ay siya ang i-eendorso ni Pangulong Aquino sa pagka-Pangulo sa susunod na taon.
Sinabi din ni Binay na kuntento na siya kahit suportang patalikod aniya ang ibigay sa kanya ng Pangulo.
Matatandaang malapit sa pamilya Aquino si Binay na kaisa noon ni dating Pangulong Cory Aquino na nakipaglaban sa diktaturyang Marcos.
By Ralph Obina