Nirerespeto ni Vice President Jejomar Binay ang pagtanggi sa kanya ni Senador Grace Poe na makatambal sa 2016 Presidential elections.
Ito’y sa gitna ng banat ni Poe sa pag-iwas ni Binay sa hearing ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian na kanyang kinakaharap.
Nilinaw naman ni Binay na wala namang tinutukoy na partikular na personalidad ang kanyang pahayag hinggil sa mga walang karanasang leader.
Giit ng dating alkalde ng Makati, ipe-presinta niya ang kanyang sarili bilang kandidato sa pagka-Pangulo sa issue ng kakayahan at karanasan at kung may mga nagagalit aniya ay hindi naman niya intensyon na manira.
By Drew Nacino