Pinapayagan ng Impeachment Court ang posibilidad na mag-abogado sa sarili si Vice President Sara Duterte.
Ito mismo ang kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero sa oras na umpisahan na ang trial o paglilitis sa impeachment laban sa pangalawang pangulo.
Ayon sa Senate President, maging ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay maaaring maging abugado, gayundin ang kanyang asawa dahil isa rin itong lawyer.
Ipinaliwanag ni Senador Escudero, na walang legal constraints o batas ang nasasabing bawal ito.
Hinikayat naman ni Senate President Escudero ang mga Senador at Kongresista na pag-aralan ang mga kaso at paghandaan ang impeachment trial.