Hindi pa tiyak kung saan mag-oopisina si Vice President-elect Leni Robredo.
Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ng susunod na bise presidente, na kanila pang pinag-aaralan kung alin sa mga dating naging opisina ng bise presidente, ang maaaring muling gamitin ni Robredo.
Samantala, tiniyak din ni Hernandez na kanila nang ini-eskedyul ang pakikipagpulong ni Robredo kay Vice President Jejomar Binay para sa gagawing transition, at ang courtesy call kay President-elect Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni VP-elect Leni Robredo
Tuloy ang trabaho
Itutuloy ni Vice President-elect Leni Robredo ang kanyang mga nasimulan nang adbokasiya, katulad ng pagtitiyak na uunlad maging ang mga nasa probinsya.
Sinabi ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo na kanila pang binabalangkas ang mga gagawin ng susunod na bise president sa unang 100 araw nito sa puwesto.
Ayon kay Hernandez, kumpiyansa si Robredo na magagawa nito ang kanyang mga proyekto kahit walang posisyon sa gabinete ni President-elect Rodrigo Duterte, dahil may sariling pondo ang Office of the Vice President.
Bahagi ng pahayag ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni VP-elect Leni Robredo
By Katrina Valle | Ratsada Balita