Ikinukunsidera ngayon ng kampo ni Vice President-elect Leni Robredo na gamitin ang Boracay Mansion bilang kanyang bagong tanggapan.
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, siya mismo ang nagrekomenda kay Robredo para gamitin ang pasilidad bagama’t wala pang pag-uusap kung magkaano ang magiging upa rito.
Magugunitang naging kontrobrsyal ang Boracay Mansion dahil ini-uugnay ito sa mga umano’y tagong properties ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ngunit binili ito ng lokal na pamahalaan ng Quezon City kung saan, pinatayuan ito ng dalawang palapag na gusali na magsisilbing guest house sa mga foreign dignitaries.
Una nang inihayag ni Robredo na hindi siya mag-oopisina sa kasalukuyng tanggapan ni Vice President Jejomar Binay sa Coconut Palace dahil sa napakamahal na upa maliban pa sa konektado ito sa pamilya Marcos.
By Jaymark Dagala