Nagpasaklolo na sa Philippine National Police (PNP) ang kampo ni incoming Vice President Leni Robredo.
Kasunod na rin ito nang natatanggap na banta sa buhay ng susunod na Pangalawang Pangulo.
Ayon sa kampo ni Robredo, isang Edward Guillermo ang nag-post ng hawak nitong larawan ng vice president habang nakatutok dito ang isang kamay nitong may hawak na itak.
Sinabi ng kampo ni Robredo na dapat arestuhin si Guillermo dahil malaking banta ito sa kaligtasan ng bise presidente na nahaharap din anila sa marami pang banta kasunod nang pagiging simple at madalas na pakikihalubilo sa karaniwang tao.
By Judith Larino