Bumisita si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones.
Kauna-unahan itong pagkakataon para sa transition meeting ng dalawa kung saan si Duterte-Carpio ang susunod na magiging kalihim ng DepEd.
Sa Facebook post ng DepEd kahapon, nagkaroon ng one-on-one meeting si VP Sara at Briones bago sila lumahok sa transition briefing kasama ang ibang matataas na opisyal ng kagawaran.
Ilan sa pinag-usapan ang job descriptions at responsibilidad ng kagawaran ng edukasyon at maging ang guidelines sa pagbubukas ng School Year 2022-2023 at pondo pa naman sa susunod na taon.
Matapos i-anunsiyo noong Mayo para sa magiging panibagong pinuno ng edukasyon, ipinahayag ng kagawaran at ni briones ang taos-pusong pagtanggap kay VP Sara at tiniyak ang pakikipagtulungan para sa pagtugon sa mga hamon sa edukasyon.