Malabong matapos agad sa loob ng dalawang buwan ang election protest ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo, ito’y dahil sangkatutak ang ihinain nitong mosyon sa PET o Presidential Electoral Tribunal.
Paliwanag ni Atty. Romulo Macalintal, isa sa mga abogado ni Robredo, hindi lang tatlong (3) probinsya na kinabibilangan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Occidental ang ipinoprotesta ni Marcos kundi dalawampu’t limang (25) lalawigan.
Gayunman, naniniwala ang kampo ng bise-presidente na mas pabor pa sa kanila kung mapapabilis ang bilangan ng mga boto.
By Jelbert Perdez
VP election protest malabong matapos agad—Macalintal was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882