Personal na dinalaw ni Vice President Sara Duterte kagabi ang kanyang Chief-of-Staff na si Undersecretary Zuleika Lopez, na nakapiit sa kamara.
Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na bago mag-alas otso ng gabi nang dumating si VP Duterte sa tanggapan ng kapatid nitong si Davao Rep. Paolo Duterte.
Nagkita na lamang sa visitors center ng Batasan Pambansa sa Quezon City, sina VP Sara at Lopez dahil tapos na ang regular visiting hours na alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Sa kamara anya, partikular sa tanggapan ni Congressman Duterte, natulog ang pangalawang pangulo at buong contigent nito at hanggang kaninang umaga ay nasa batasang pambansa pa ito.
Magugunitang pina-contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Lopez makaraang kumpirmahing lumagda siya sa liham na humihiling sa Commission on Audit na huwag isumite sa House Appropriations panel ang audit reports ng confidential fund ng OVP at Department of Education noong 2022 at 2023.