Tinuldukan na ni U.S. Vice President Joe Biden ang mga spekulasyon na siya ay tatakbo sa pagka-Presidente ng bansa.
Ang anunsyo ay isinagawa ng Bise Presidente sa White House na sinaksihan mismo ni U.S. President Barack Obama at asawa nito na si Jill.
Isang dahilan na itinuturo ay ang patuloy na pagdadalamhati nilang pamilya sa pagkamatay ng kaniyang anak na lalaki na si Beau.
Inanunsyo rin niya na mananatili pa rin bilang tagapagtanggol ni Obama at patuloy na itataguyod ang mga magandang misyon ng Democratic Party.
By Mariboy Ysibido