Kapwa nanguna sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos sa may pinaka-maraming online mentions sa mga presidential contender sa loob ng 12 araw noong Setyembre at Oktubre.
Batay sa datos ng media monitoring at insight company na Isentia Philippines, mula sa 3,573 mentions, isang linggo bago ang October 1 ay lumobo ito sa 26,560 mentions o 643% increase.
Naitala ang pinaka-mataas na online mentions sa kasagsagan ng filing ng certificate of candidacy, sa iba’t-ibang social media channels, tulad ng Facebook, Twitter, Reddit at Youtube mula September 27 hanggang October 8.
Hinakot ni Robredo ang pinaka-maraming online mentions sa social media platforms na umabot sa 1.7 million noong October 7 matapos mag-anunsyo at maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo.
Pumangalawa si Marcos sa mayroong 1.1 million mentions, na naitala ang peak nang maghain din ng kandidatura sa pagka-presidente, noong October 6.
Pangatlo naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mayroong 389,908 mentions, Senators Ronald “Bato” Dela Rosa, 253,901; Manny Pacquiao, 209,954 at Panfilo “Ping” Lacson, 59,906. —sa panulat ni Drew Nacino