Nasa maayos na kalagayan si Vice President Leni Robredo, halos tatlong linggo makalipas ang presidential elections kung saan siya pumangalawa.
Ayon ito kay Atty. Barry Gutierrez, Spokesperson ni Robredo na nagsabi ring “at peace” na ang bise presidente at tanggap na kung anuman ang magiging resulta ng eleksyon.
Sinabi pa ni Gutierrez na itinuturing ni Robredo na reward ang pagdalo niya sa graduation ng anak sa New York lalo pa’t tuluy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho sa nakalipas na anim na taon.
Kasabay nito, inihayag ni Gutierrez na bahala na si Robredo kung pormal na magku-concede bagamat sa tingin niya ay nasabi at nagawa na ng pangalawang pangulo ang mga dapat nitong gawin.