Hinikayat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. si Vice President Leni Robredo na mag-concede na sa katatapos na 2022 National and Local Elections.
Ayon kay Esperon, dapat nang tanggapin ni Robredo ang naging desisyon ng taumbayan at naging resulta ng partial and unofficial count of votes ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Esperon kay Robredo na humanap nalang siya ng ibang paraan para magserbisyo sa bayan.
Nabatid na tinanggap na ng ilang mga tumakbong kandidato ang resulta ng botohan kabilang na dito sina Senator Manny Pacquiao, Manila City Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson, Faisal Mangondato, Partido Lakas ng Masa standard bearer Leody De Guzman sa 2022 presidential elections maging si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Sa ngayon, nangunguna parin sa presidential race sa dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang si Sara Duterte-Carpio naman ang nangunguna sa vice presidential race.