Kontra si Vice President Leni Robredo sa planong pagbuhay sa PC o Philippine Constabulary.
Ayon kay Robredo, hindi dapat magpadalos-dalos sa pagpapasya ang pamahalaan hinggil sa naturang usapin.
Maging si Senador Leila de Lima ay tutol sa balak ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang PC.
Habang pabor naman dito si Buhay Partylist Representative Lito Atienza dahil maibabalik aniya ang check and balance mechanism sa mga awtoridad.
By Meann Tanbio
Photo Credit: OVP