Handa si Vice President Leni Robredo na harapin ang ikinakasang impeachment complaint laban sa kaniya na posibleng ihain sa susunod na buwan.
Sinabi ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Malabon City kahapon na wala siyang ginagawang masama kaya’t hahayaan niya lamang na gumalaw ang nasabing reklamo bilang bahagi ng demokrasya.
Isa aniyang uri ng political process ang impeachment kaya’t umaasa siyang may kongkretong batayan sa ilalim ng grounds of impeachment ang mga isyung ibabato laban sa kaniya.
Sa huli, nanindigan si VP Leni na tuloy pa rin ang kaniyang trabaho para sa bayan sa kabila ng mga usaping kaniyang kinahaharap tulad ng impeachment gayundin ang electoral protest laban sa kaniya ni dating Senador Bongbong Marcos.
By: Jaymark Dagala
VP Leni di umano natitinag sa mga isyung ipinupukol sa kaniya was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882