Nasa Palasyo na si Vice President Leni Robredo.
Ito ay para sa unang pagdalo niya sa cabinet meeting matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Housing Urban Development Coordinating Council.
Sinalubong si Robredo nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ngayong alas-2:30 ng hapon magsisimula ang naturang cabinet meeting na pangungunahan ng Pangulong Duterte.
By Ralph Obina
Photo Credit: PTV 4