Bukas at handa si presidential candidate at Vice President Leni Robredo na makipag tulungan kay Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio sakaling parehong manalo sa 2022 national and local elections.
Ito ay kasunod ng kumakalat na tambalang Robredo-Sara o Rosa Movement na opisyal na inilunsad ng mga representative na sina Jose Maria Salceda, Rufus Rodriguez at Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, nais umano ng bise presidente na manalo ang kanyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, pero naiintindihan niya ang nais ng mga botante ng “different configurations” o ang pagkakaiba ng anyo, pigura, o kumbinasyon ng mga kandidato pagdating sa pagsasaayos ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero