Hindi apektado si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa desisyon ng kanyang kapwa presidential aspirants.
Aniya, ang pag-atras ni Senador Bong Go ay saklaw ng kanyang karapatan bilang isang kandidato.
Binigyang-diin pa ni Robredo na malinaw ang kanilang plano at wala aniyang kinalaman sa ibang mga kandidato ang kanilang mga aktibidad kaya tuloy-tuloy lamang ang mga ito. —sa panulat ni Hya Ludivico