Hindi nag-iingat si Vice President Leni Robredo sa mga isinusulong nitong panukala.
Pananaw ito ni Volunteers Against Crime and Corruption o VACC Spokesman Arsenio ‘Boy’ Evangelista na nagsabing nalungkot sila sa panukala ni Robredo na gawing ligal o i-decriminalize ang kasong Illegal Possession of Drugs.
Sinabi sa DWIZ ni Evangelista na malinaw sa nasabing panukala ni Robredo na hindi ito pro-victim at magkaiba ang sitwasyon ng Pilipinas at Colombia na siyang ginawang batayan ng Bise Presidente sa mungkahi nito.
“Paano naman yung mga ibang major crimes? So, parang gusto ba nyang illegalize na natin yang treason, plunder, heinous crimes, yung mga sinusunog yung biktima, kini-cremate. Katulad nitong isang colonel, uniformed na involved sa Abu Sayyaf, ito ay treason. Eh ito eh should be punishable by then kasi ito yung betrayal sa ating bansa. So, sasabihin niya, so, ito huwag na ring isama parang ganun na rin eh. Inumpisahan niya sa isang major crime treat which is illegal drugs distribution manufacturing na go-easy dito sa crime ‘to”, pahayag ni VACC Spokesman Boy Evangelista sa panayam ng DWIZ.
By Judith Larino | Ratsada Balita (Interview)