Hiniling ni Vice President Leni Robredo sa korte suprema na ibasura na ang motion for reconsideration ni dating Sen. Bong Bong Marcos dahil sa kawalan ng merito.
Ang mosyon ni Marcos ay kaugnay sa naging ruling ng Presidential Electoral Tribunal o PET na ibasura ang kaniyang election protest laban kay Robredo.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo at personal na naghain ng komento ng bise presidente, walang batayan ang motion for reconsideration ni Marcos dahil ang grounds ay inulit lamang.
Nakasaad din sa inihaing komento ni robredo na dapat nang mag-concede si Marcos at tanggapin na ang kaniyang pagkatalo.