Mariing pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang umano’y tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kasunod ng nabunyag na umano’y blueprint na iniwan ni dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg gayundin ang nilulutong serye ng mga kilos-protesta ng Liberal Party ngayong taon.
Giit ng Bise Presidente, hindi siya kasama sa nasabing plano at lalong hindi rin kakayanin ito ng kanilang partido dahil sa kakaunti na lamang ang kanilang miyembro.
Bagama’t inamin ni Robredo na dalawang beses sila nagkita ni Goldberg, binigyang diin naman nito na wala sa kanilang naging usapan ang Pangulo.
By Jaymark Dagala