Walang puwang sa isang matinong lipunan tulad ng Pilipinas ang anumang uri ng terorismo
Ito ang matapang na pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pagkundena nito sa nangyaring pagpapasabog sa Roxas Night market sa Davao City nitong Biyernes
Binigyang diin ng Bise Presidente, dapat managot sa batas ang sinuman o anumang grupong nasa likod ng nasabing pag-atake
Kasunod nito, nagpahatid din ng pakikiramay ang Pangalawang Pangulo sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa naturang insidente
By: Jaymark Dagala