Tila kumambyo si Vice President Leni Robredo sa kaniyang komento hinggil sa mga biro sa kaniya ng Pangulong Rodrigo Duterte kahapon
Sinabi ni Robredo ngayong umaga na hindi maganda ang naging biro sa kaniya ng Pangulo kahapon gayung una nang inihayag nito na sanay na siya sa mga biro ni Duterte
Ayon kay Robredo walang lugar sa komunidad ang mga ganuong klaseng biro laban sa mga kababaihan lalo na kung galing ito sa mga lider ng bayan
Iginiit ni Robredo na nananatili pa rin sa kaniyang pagkatao ang pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga kababaihan na kaniyang ginawa ng maraming taon nuong siyay alternative lawyer pa lamang
Sinadya aniya niyang huwag pansinin ang mga biro sa kaniya kahapon ng Pangulo dahil nasa Tacloban City sila para sa paggunita ng Ikatlong anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon Yolanda.
By: Judith Larino / Jonathan Andal