Hindi rin pinalagpas ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga birada.
Sa harap ng Filipino Community sa Royal Navy Headquarters sa Bangkok, sinabi ng Pangulo na nanghihinayang siya kay Senador Alan Peter Cayetano na natalo nuong nakalipas na halalan.
Muling binigyang diin ng Pangulo ang tila pagiging apurado ni Robredo na mapatalsik siya sa puwesto.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Kasunod nito, pinayuhan ng Pangulo si Robredo na maghintay kung nais nitong maging Pangulo ng bansa.
Una nang itinanggi ng kampo ng Bise Presidente na si Robredo ang nasa likod ng mga planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa puwesto.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By Jaymark Dagala
*Reuters Photo