Nasa Tokyo, Japan na si Vice President Leni Robredo para dumalo at magbigay ng kaniyang talumpati sa dalawang araw na Global Summit of Women.
Tatalakayin sa nasabing pulong na may temang “Beyond Womenomics: Accelerating Access” kung paano na aabot ng mga babae ang mga puwesto sa liderato ng mga korporasyon.
Inaasahang tatalakayin din sa nasabing pulong ang iba’t-ibang istratehiya na susuporta sa mga negosyong pinatatakbo ng mga babae.
Maliban kay Robredo, dadalo rin sa nasabing pulong si Japanese Prime Minsiter Shinzo Abe, Vietnamese Vice President Dang Thi Ngoc Thinh at iba pang kinatawan ng mga babae sa iba’t-ibang panig ng mundo.
By: Jaymark Dagala / Raoul Esperas