Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na wala siyang balak tumakbo sa pagkasenador sa darating na halalan sa susunod na taon.
Gayunman, sinabi ni Robredo sa isang panayam na mas nanaisin niyang tumakbo para sa lokal na posisyon sakaling magpasya na siyang huwag tumakbo sa pagkapangulo.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, naniniwala siyang hindi ang pagbalangkas ng batas ang kaniyang kalakasan bilang dati na siyang nagsilbi bilang kinatawan ng Camarines Sur sa Kamara.
Ngunit, sinabi ni Robredo na hindi pa rin niya isinasantabi ang posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo subalit kasalukuyan pa rin niya itong pinag-iisipan.