“Panahon na upang isantabi ng publiko ang takot at tumulong na ipaglaban ang sangay ng hudikatura.”
Iyan ang pahayag ni Vice President Leni Robredo sa kanyang talumpati sa Free the Courts Forum sa University of the Philippines (UP) Diliman kahapon.
Kasunod nito, nanawagan din si Robredo sa publiko na kontrahin ang nakasampang quo warranto petition sa Korte Suprema laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Giit ng Pangalawang Pangulo, itinatag ang sangay ng hudikatura upang maging saligan at takbuhan ng mga nangangailangan at hindi upang taguan ng mga may sariling interes at nasa kapangyarihan.
Nangako rin si Robredo na kaniyang ipaglalaban ang Saligang Batas at itatama ang mali sa abot ng kanyang makakaya.
—-