Nag-negatibo sa COVID-19 si Vice President Leni Robredo.
Ito ang lumabas sa RT-PCR test result ng opisyal matapos ang pitong araw na ma-expose sa isang indibidwal na positibo sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ng Bise Presidente na siya’y nagpapasalamat sa Panginoon dahil muli na naman siyang nakaligtas sa pagkakaroon ng virus.
Gayunman, tatapusin ni Robredo ang kanyang 14 day quarantine bago pisikal na magbalik trabaho.
Nauna rito, nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 ng Astrazeneca si Robredo.