Opisyal nang nagpaalam si Outgoing Vice President Leni Robredo sa Quezon City Reception House, na nagsilbing tanggapan niya sa huling anim na taon.
Nagpaalam si Robredo sa naturang tanggapan suot ang pink na dress at sakay ng isang itim na coaster van, isang araw bago matapos ang kanyang termino.
Sinalubong naman siya ng palakpakan mula sa kanyang mga tagasuporta, at saludo mula sa security team na naka-assign sa kanya.
Samantala, nabatid na maging si Incoming Vice President Sara Duterte ay sa Quezon City reception house din magtatrabaho.