Hindi muna magtatrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno si Vice President Leni Robredo.
Sagot ito ni Atty. Barry Gutierrez, Spokesperson ni Robredo sa posibilidad na pagsisilbi muli ng vice president sa gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.
Sinabi ni Gutierrez na naka-focus lamang ang atensyon ni Robredo sa pagtatapos ng kanyang termino at magkaruon ng maayos na transition at pagsasara ng lahat ng programa ng Office of the Vice President.
Maaari aniyang makikiisa si Robredo sa isang civil society non-government organization para maipagpatuloy ang serbisyo sa mga Pilipino.
Ipinabatid ni Gutierrez ang plano ni Robredo na paglulunsad ng magugunitang inanunsyo ng kampo ni Robredo ang paglulunsad ng non-government organization na Angat Buhay sa July 1 o isang araw matapos siyang bumaba sa pwesto.