Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na palagiang mag-ingat
Ayon sa Bise Presidente, hindi siya kumportable sa mga pahayag ng Pangulo na huwag matakot ang publiko sakaling siya’y masawi dahil may Bise Presidente namang sasalo para sa kaniya
Giit ni Robredo, kailangan ang Pangulo ng bansa bilang siya ang hinalal ng nakararaming Pilipino kaya dapat niyang manatiling buhay para pamunuan ang bansa
Maliban sa pag-aalok sa kaniya ng posisyon sa gabinete, sinabi ni Robredo na inanyayahan siya ng Pangulo na daluhan ang mga pagpupulong hinggil sa pambansang seguridad
By: Jaymark Dagala