Inihayag ni Political Analyst Professor Jean Franco ng University of the Philippines na mataas ang posibilidad na makahakot si Vice President Leni Robredo na kakandidato sa pagkapangulo sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa pagtakbo ni Senator Christopher “Bong” Go bilang pangulo sa 2022 elections matapos umatras bilang vice president at naghain naman ng certificate of candidacy sa pagkapresidente nito lamang Sabado.
Sinabi ni Franco na posibleng mahati ngayon ang boto sa pagitan nina dating Senador Bongbong Marcos at Senator Go kung saan, malaking pagkakataon na rin ito ni Robredo na maglatag ng mga karagdagan pang plataporma upang mas mahikayat at makahakot ang mga tagasuporta.
Samantala, matatandaan naman na kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na tatakbo sa pagkabise presidente si Pangulong Duterte. —sa panulat ni Angelica Doctolero