Kuntento si Vice President Leni Robredo at nangako itong susuportahan ang AFP o Armed Forces of the Philippines.
Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo makaraang bigyan nila ng security briefing ang Bise Presidente.
Ipinaalam ng AFP kay Robreo ang kakayahan ng militar, mga hamon o bantang pangseguridad na kinahaharap ng bansa at ang kanilang misyon dito sa Pilipinas maging sa ibayong dagat.
Giit ni Arevalo, normal lamang para sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan na mabigyan ng secuerity briefing kung bibisita ito sa AFP General Headquarters.
Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nag-imbita kay Robredo sa kampo Aguinaldo at batid iyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Jaymark Dagala