Binigyan na ng puwesto sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo matapos ang mahaba-habang panahon.
Kahapon, personal na tinawagan ng Pangulo si Robredo at inalok na pamunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Tinanggap naman ito ng Bise Presidente at inabisuhan ito ng Pangulo na dumalo sa pagpupulong sa Malacañang sa Lunes.
Nagpasalamat naman si Vice President Leni Robredo sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng HUDCC.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robredo na malaking tulong ang nasabing posisyon upang maabot ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Aniya, mas mapaglilingkuran niya ang mga walang tahanan at maipagpapatuloy ang pangakong itulak ang kaunlaran at kaginhawaan para sa mga kapus palad.
Magugunitang dalawang bise presidente na ang humawak sa nasabing ahensya ng gobyerno tulad nila dating Vice President Noli de Castro at Jejomar Binay.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)