Nagpaabot ng pagbati si Vice President Leni Robredo kay Incoming VP Sara Duterte-Carpio na papalit sa kanyang posisyon sa susunod na administrasyon.
Unang sumulat ng kampo ni Duterte kay Robredo upang pag usapan ang suwabeng transition sa pagitan ng dalawang opisyal.
Sumagot naman ang kampo ni robredo kay Duterte kasabay ng kanilang sa naging tagumpay nito bilang bagong bise presidente.
Nakasaad sa liham ang pagbati ni Robredo kay Duterte matapos ang proklamasyon bilang ika-15 Bise Presidente ng republika ng Pilipinas.
Sinabi rin sa liham na handa ang kampo ni Robredo na makipagpulong para sa mas maayos na transition of office.